Wikipedia
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Wikipedia ay isang wiki-based na ensiklopedya na may malayang nilalaman. Ito ay tinatawag na malaya sa dahilan na ito ay malayang magagamit at mapapalitan ng kung sino man. Ang Wikipedia ay multilinggual at pinamamahalaan ng Wikimedia Foundation.
Ang Wikipedia ay sinimulan bilang isang proyekto na nasa wikang Ingles noong Enero 15, 2001 at sumunod na lamang ang mga proyektong Wikipedia sa iba't ibang wika.
[baguhin] Pangunahing karakter
Ang proyektong Wikipedia ay mayroong tatlong pangunahing karakter, na nagbibigay ng katangian ito sa World Wide Web:
- Ito ay, o may pangunahing layunin na maging, isang ensiklopedya.
- Ito ay isang wiki na maaring palitan ng kung sino man, maliban sa ilang natatanging pahina.
- Ito ay may malayang nilalaman, at gumagamit ng tinatawag na copyleft GNU Lisensya para sa Malayang Dokyumentasyon.
Lahat ng software para sa Wikipedia ay malayang software (MediaWiki, GNU/Linux, MySQL, at Apache).
[baguhin] Patakaran
Ang mga kalahok sa Wikipedia ay sumusunod, at pinagtitibay, ang ilang patakaran.
Una, dahil sa iba't ibang idolohiya ng mga lumalahok sa Wikipedia gagawin ng Wikipedia ang lahat ng makakaya upang manatili na walang pinapanigan ang nilalalman nito. Ang layunin ay para ipakita ang lahat ng pananaw sa mga isyu ng artikulo.
Ikalawa, maraming pamantayan sa pag ngangalan ng mga artikulo; halimbawa, kung maraming ngalan ang maaring ibigay sa isang artikulo, ang pinakakaraniwang ngalan na ginagamit sa wika ang gagamitin.
Ikatlo, gumagamit ng pahinang "talk" ang mga lumalahok sa Wikipedia upang mapagusapan ang pagbabago ng mga artiukulo, at upang maiwasan na mismo sa artikulo isulat ang paguusap. Kung patungkol sa maraming artikulo ang gustong pagusapan, mas-nararapat itong ilagay sa Meta-Wikipedia o sa mailing list.
Ikaapat, mga artikulong hindi nababagay sa isang ensiklopedya ay hindi dapat gawing artikulo. Ilang halimbawa, mga pang-diksyonaryo na depenisyon, at mga tekstong patungkol sa batas o mga talumpati.
Ikalima, maraming tuntunin ang minumungkahi at nagtatamo ng suporta mula sa iba't ibang kalahok ng Wikipedia. Ang pinaka-sinusuportahang tuntunin ay kung ang isang minungkahing tuntunin ay nakakawala ng loob na lumahok sa Wikipedia, ito'y pabayan at huwag na lamang pansinin. Kung ang isang minungkahing tuntunin ay nilabag, ito'y pinaguusapan ng mga kalahok ng Wikipedia kung nararapat ba itong mas-striktong ipatupad o hindi.
[baguhin] Mga Katauhan
Ang nilalaman ng Wikipedia ay binabago ng libu-libong tao. Ang mga taong lumalahok sa Wikipedia ay tinatawag na Wikipedians.