Ang Karagatang Pasipiko o Dagat Pasipiko (mula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang ibig sabihin ay payapang laot, na iginawad ni Fernando Magallanes eksplorador na Portugues sa korona ng Espanya) ay ang pinakamalaking karagatan sa mundo. Kinabibilangan ito ng isang tersyo ng buong kalatagan ng Lupa at may sukat na 179.7 milyon km² (69.4 milyon milya kwadrado). Ito ay umaabot ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa Dagat Bering sa Karagatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ng Dagat Ross ng Antartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, ito ay nakalatag mga 19,800 km (12,300 mi) mula Indonesia hanggang sa baybayin ng Colombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang Kipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo sa Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko. Ang Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft) mababa sa pantay laot (sea level).
Sang-ayon sa Pambansang Lupon sa Ugnayang Pang-estadistika (National Statistics Coordination Board [NSCB]) ng Pilipinas, ang Zamboanga del Norte ang pinakamahirap na lalawigan sa Pilipinas kasama ang pito pang lalawigan sa Mindanao. Matatagpuan naman sa Luzon ang 10 sa pinakahuli sa mga mahihirap.
Ang Marte (o Mars) ay ang ika-apat na planeta mula sa Araw sa ating sistemang solar. Ipinangalan ito sa Romanong diyos ng digmaan (Ares sa Mitolohiyang Griyego). Kilala din ang Marte bilang "Ang Pulang Planeta" hinggil sa mamulang anyo nito kapag nakikita mula sa Daigdig sa gabi. May dalawang buwan ang Marte, ang Phobos at Deimos, na maliliit at kakaiba ang hugi at posibleng nakuhang mga asteroyd katulad ng 5261 Eureka. Makikita ang Marte mula sa Daigdig sa pamamagitan ng hubad na mata na may kaliwanagan ng hanggang -2.9 magnitud, nilalagpasan lamang ng Venus, Buwan at Araw.
Meta-Wiki
Koordinasyon para sa proyekto ng Wikimedia
Mga wika sa Wikipedia
Ito ang Wikipedia sa wikang Tagalog. Nagsimula ito noong Disyembre 2003, naglalaman ngayon ito ng 5,759 mga artikulo. Nakasulat din ang mga Wikipedia sa iba't ibang salitain: