Djibouti
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang gamit, tingnan Djibouti (paglilinaw).
Ang Republika ng Djibouti (internasyunal: Republic of Djibouti, Arabo: جيبوتي, Ǧībūtī) ay isang bansa sa silangang Aprika, matatagpuan sa Sungay ng Aprika. Napapaligiran ito ng Eritrea sa hilaga, Ethiopia sa kanluran at timog, at Somalia sa timog-silangan. Binubuo ng Dagat Pula at Gulpo ng Aden ang natitirang mga hangganan. Sa kabilang ibayo ng Dagat Pula, sa Peninsulang Arabo, matatagpuan ang Yemen 20 km mula sa pampang ng Djibouti.