Nigeria
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Republikang Federal ng Nigeria (Internasyunal: Federal Republic of Nigeria) ay isang bansa sa Kanlurang Aprika. Ito ang pinakamataong bansa sa Aprika. Napapaligiran ng Benin sa kanluran, Chad at Cameroon sa silangan, Niger sa hilaga at ang Gulpo ng Guinea sa timog.