Wikipedia:Stub
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang stub ay isang napakaliit na artikulo, karaniwang isang talata lamang o mas maliit pa na nangangailangan ng atensyon mula sa mga tagapag-ambag ng Wikipedia. Nilikha sila ngunit hindi pa sapat ang impormasyon upang maging isang totoong artikulong maituturing. Naniniwala ang komunidad na sa kung bibigyan lamang ng atensyon ay makukumpleto at maigiging makabuluhan ang mga stub.Ito ang unang hakbang upang maging kumpletong artikulo ang isang topic na makatutulong pagpapalawak ng nilalaman ng Wikipedia ang Malayang Ensiklopedya.