Equatorial Guinea
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Republika ng Equatorial Guinea (internasyunal: Republic of Equatorial Guinea) ay isang bansa sa gitnang Aprika, at isa sa mga pinakamaliit na bansa sa kontinente ng Aprika. Napapaligiran ito ng Cameroon sa hilaga, Gabon sa timog at silangan, at ang Gulpo ng Guinea sa kanluran, kung saan naroon ang mga pulo ng São Tomé and Príncipe na nakahimlay sa timog-kanluran. Dating kolonya ng mga Kastila sa pangalang Kastilang Guinea (Spanish Guinea), kinabibilangan ng mga teritoryo (kilala sa kontinente bilang Río Muni) nito ang ilang mga pulo kasama ang kalakihang pulo ng Bioko kung saan naroon ang Malabo (dating Santa Isabel), ang kapital nito. Nagbibigay ng mungkahi na parehong malapit ito sa ekwador at Gulpo ng Guinea ang pangalan nito pagkatapos maging malaya. Ito lamang ang bansa sa Aprika na Kastila ang opisyal na wika.