Mayotte
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mayotte /mei̯ˈɒtʰ/ (pagbigkas sa Pranses /majɔt/) ay isang panlabas na kolektibidad ng Pransya sa hilagang dulo ng Kanal ng Mozambique sa Karagatang Indyan, sa pagitan ng hilagang Madagascar at hilagang Mozambique. Bahagi ng kapuluang Comoros sa pisikal na heograpiya ang teritoryo, ngunit hindi sa politikal na heograpiya. Kilala din ito bilang Mahoré, lalo na ang mga nagsusulong sa pagsama nito sa Unyon ng Comoros.