São Tomé at Príncipe
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Demokratikong Republika ng São Tomé at Príncipe (pinakamalapit na bigkas /sew·tu·mé/, /príng·si·pi/) ay isang bansa na may dalawang maliliit na pulo sa Gulpo ng Guinea. Matatagpuan ang mga pulo na may 140 km ang layo ng bawat isa at mga 250 at 225 km, sa ganoong ayos, ang layo nito sa labas ng hilagang kanlurang pampang ng Gabon. Bahagi ng di-aktibong bulkang bulubundukin ang mga pulo. Matatagpuan halos sa ekwador ang São Tomé, ang kalakihang katimogang pulo. Ipinangalan ang pulo sa Araw ni Santo Tomas, ang araw ng pagtuklas ng mga Portuges na eksplorador.