Ulan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang gamit, tingnan Ulan (paglilinaw).
Ang ulan ay isang anyo ng presipitasyon, na kabilang sa ibang anyo ang niyebe (snow), graniso (hail), magkasamang niyebe at ulan (sleet), at hamog (dew). Nabubuo ang ulan kapag nahulog ang mga magkakahiwalay na patak ng tubig sa ibabaw ng Daigdig mula sa mga alapaap. Bagaman, hindi nakaabot sa lupa ang lahat ng ulan; sumisingaw ang ilan habang bumabagsak sa tuyong hangin. Kapag nakaabot sa lupa, tinatawag itong virga, isang kaganapan na kadalasang makikita sa maiinit, tuyong rehiyon sa desyerto.