Tubig
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang tubig ay isang walang lasa, walang amoy, at walang kulay na sustansya sa kanyang dalisay na anyo na mahalaga sa lahat ng mga kilalang anyo ng buhay at kilala din bilang ang pinaka-unibersal na panunaw (solvent). Sagana ang Daigdig sa tubig at matatagpuan sa lahat ng lugar at makikita sa iba't ibang anyo. Karamihan nito ay matatagpuan sa mga karagatan at mga polar ice cap, ngunit ito'y matatagpuan kahit sa mga alapaap, tubig ulan, at ilog.