Southern Leyte
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Katimogang Leyte (o Timog Leyte; opisyal na pangalan: Southern Leyte) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Silangang Visayas.
Sensus ng 2000—360,160 (ika-18 pinakamaliit)
Densidad—208 bawat km² (ika-42 pinakamataas)
Isang mahalagang bahagi ng sistema transportasyon ng mga pulo ng bansa ang Katimogang Leyte, kasama ang mga sasakyang pangdagat ng nilalakbay ang mga tao at produkto sa pagitan ng Liloan at Surigao del Norte sa Mindanao.
Pinaniniwalaan ang Limasawa, isang pulong munisipalidad sa timog, na ang lugar na unang ginanap ang Kristiyanong misa sa malayong silangan, nang lumapag si Ferdinand Magellan doon noong 1521.
Mga nilalaman |
[baguhin] Tao at kultura
Cebuano ang likas na wika dito. Naiintindihan naman ang Ingles at Tagalog bilang mga pangalawang wika.
[baguhin] Heograpiya
[baguhin] Politikal
Nahahati ang Katimogang Leyte sa 18 munisipalidad at 1 lungsod.
[baguhin] Lungsod
- Lungsod ng Maasin
[baguhin] Municipalities
|
|
[baguhin] Pisikal
Sinasakop ng Katimogang Leyte ang katimogang 25 bahagdan ng pulo ng Leyte. Napapaligiran ang Leyte ng lalawigan ng Leyte sa hilaga, ng Kipot ng Surigao sa silangang, Dagat Bohol sa timog, at Kanal ng Canigao, sa ibayo ng Bohol, sa kanluran. Lungsod ng Maasin ang kapital na nito.
[baguhin] Kasaysayan
Dating bahagi ng lalawigan ng Leyte ang Katimogang Leyte. Iminungkahi ang pangangailangan ng paghiwalay sa pulo ng Leyte sa dalawang lalawigan dahil sa kahirapan ng pamamahala ng buong pulo mula sa Tacloban, ang kapital ng Leyte. Sa batas, ipinasa ang Republic Act 2277 na binubuo ang lalawigan ng Katimogang Leyte noong 1959 at natatag noong 1960.
Noong Pebrero 17, 2006, winasak ng pagguho ng lupa sanhi ng malakas na ulan, tinatayang mahigit sa 200cm (79 pulgada), at isang maliit na lindol ang mga bayan at maraming gusali. Daan-daan ang inakalang patay at mahigit sa isang libo ang nawawala. Naantala ang pagliligtas dahil sa masamang kondisyon ng mga daanan at kakulangan ng mabibigat na kagamitan. Hindi pinalad ang higit sa 1,800 mga katao na nawala o maaaring patay na.
[baguhin] Kawing panlabas
- Opisyal na Websayt ng Katimogang Leyte
- Philippine Information Agency websayt tungkol sa Katimogang Leyte