Nueva Vizcaya
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Nueva Vizcaya ay isang lalawigan ng Pilipinas na matagpuan sa Lambak ng Cagayan sa Luzon. Ang kabisera nito ay Bayombong. Kanugnog nito ang mga lalawigan ng Ifugao, Isabela, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan, at Benguet.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kasaysayan at kultura
Ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ay naging bahagi ng malawak na lambak ng Cagayan na dating iisang yunit politikal na pook na pinamumunuan ng isang gobernador. Noong 1839, ang noo'y gobernador heneral ng Pilipinas na si Luis Lardizabal, sa abiso ng noo'y alkalde mayor ng Cagayan, ay nagpalabas ng isang orden na lumikha sa Nueva Vizcaya bilang isang lalawigang politico-militar. Pinagtibay ang nasabing orden sa isang Decreto Royal noong Abril 10, 1841.
Ang lalawigan ay nagkaroon ng unang pamamahalang sibil noong 1902 nang ito'y buuin ng Philippine Commission.
Mula nang maging lubos na at nagsasarili nang lalawigan ang Nueva Vizcaya, ang kasaysayan nito'y binubuo na ng kultura at tradisyon at paniniwala ng mga katutubong unang nanirahan dito na kinabibilangan ng mga Isinay, Gaddang, Bugkalot (o Ilongot), Igorot, Ifugao (Ipugaw), at nang lumaon ay ang mga Ilokano at iba pang pangkat etniko.
[baguhin] Heograpiya
[baguhin] Mga Bayan
|
|
[baguhin] Kawing palabas
Mga Bayan ng Nueva Vizcaya | |
Alfonso Castañeda | Ambaguio | Aritao | Bagabag | Bambang | Bayombong | Diadi | Dupax del Norte | Dupax del Sur | Kasibu | Kayapa | Quezon | Santa Fe | Solano | Villaverde |