Transportasyon
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang transportasyon ay ang paggalaw ng mga tao at bagay mula sa isang pook hanggang isa pang pook. Mula ito sa salitang Latin na trans, na nangangahulugang sa kabila, at portate, na nangangahulugang dalhin. Sa ganitong paraan, dalhin sa kabila ang literal na pagsasalinwika ng transportasyon.
Ang karaniwang transportasyon sa Pilipinas ay ang mga dyip o jeep.
[baguhin] Mga pagbabago sa transportasyon sa Pilipinas
Mula pa ng 2000 hinabaan pa ng pamahalaan ang Light Railway Transit at Metro Rail Transit sa Kalakhang Maynila. Dadagdagan pa ito ng mga riles patungong Cavite buhat sa Coastal Road, Baclaran hanggang Bacoor, Cavite. Kasabay ng paggawa ng bagong kalsada sa gilid ng Coastal Road.
Sa himpapawid naman binuksan uli ang Philippine Airlines patungong Europa. Kasama na dito ang pagpapagawa na bagong paliparan at pagbili ng mga eroplano.