Davao del Norte
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Davao del Norte (Kastila para sa "Hilagang Davao"), dating kilala bilang Davao lamang, ay isang lalawigan sa Pilipinas sa Mindanao. Lungsod ng Tagum ang kapital nito at napapaligiran ng mga lalawigan ng Agusan del Sur sa hilaga, Bukidnon sa kanluran, Compostela Valley sa silangan, at ang Lungsod ng Davao sa timog. Kabilang din sa Davao ang Pulo ng Samal sa timog ng Gulpo ng Davao. Dating kabilang sa Davao ang Compostela Valley hanggang naging malayang lalawigan noong 1998. Bago ang 1967, iisang lalawigan ang apat na lalawigan—Davao, Davao Oriental, Davao del Sur, at Compostela Valley— na nagngangalang Davao. Sinasakop ng Rehiyon ng Davao ang makasaysayang lalawigan na ito.