Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (Ingles: House of Representatives of the Philippines) ang mababang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas. Di-pormal itong tinatawag na Kongreso. Tinatawag ang mga kasapi ng kapulungan na mga kinatawan o mga konggresista habang Representative naman ang kanilang titulo. Ihinahalal sila sa upang maglingkod ng tatlong taon at maaaring maihalal nang tatlong beses sa pinakamarami. Maaaring kumatawan ang isang kinatawan sa isang heograpikong distrito o sa isang mahalagang sektor ng lipunan.
Ang Batasang Pambansa (o simpleng Batasan), na matatagpuan sa Constitution Hill sa Lungsod Quezon, ang opisyal na himpilan ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
[baguhin] Representasyong pang-distrito
Lahat ng mga lalawigan and maraming lungsod ay mayrong, sa pinakamababa, isang distritong kongresyonal/lehislatibo, kung saan ang mga residente ay bumuboto para sa kanilang sariling kinatawan. Ang isang distrito ay nagsasakop ng populasyon na malapit sa 250,000 sa 500,000 katao. Ang mga lalawigan na mayron lang isang distritong kongresyonal/lehislatibo ay nakahati sa dalawang distritong panlalawigan. Para sa mga lalawigan na mayrong higit sa isang distritong kongresyonal/lehislatibo, ang mga distritong panlalawigan ay magkaparehas sa bilang ng mga distritong kongresyonal/lehislatibo.
[baguhin] Mga distritong kongresyonal/lehislatibo
[baguhin] Mga distritong pambayan at panlungsod
|
|
|