Zamboanga Sibugay
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Sensus ng 2000—497,239 (ika-29 pinakamaliit)
Densidad—161 bawat km² (ika-29 pinakamababa)
Ang Zamboanga Sibugay ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Tangway ng Zamboanga sa Mindanao. Ipil ang kabisera nito. Napapalibutan ito ng mga lalawigan ng Zamboanga del Norte sa hilaga, Zamboanga del Sur sa silangat at ng Lungsod ng Zamboanga sa timog-kanluran. Sa timog matatagpuan ang Look ng Sibuguey sa Golpo ng Moro. Ang Zamboanga Subugay ang pinakabagong lalawigan sa Pilipinas na nabuo noong 2001 nang lumiwalay ang ikatlong distrito ng Zamboanga del Sur.