Northern Samar
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Hilagang Samar (Northern Samar) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Catarman ang kabesera nito at matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Samar. Silangang Samar at Samar ang hangganan nito sa timog. Sorsogon naman sa hilagang-kanluran sa ibayo ng San Bernardino Strait; Dagat ng Pilipinas naman sa silangan at Dagat ng Samar sa kanluran.
Sensus ng 2000—500,639 (ika-30 pinakamaliit)
Densidad—143 bawat km² (ika-25 pinakamababa)
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga tao at kultura
Ayon sa 2000 sensus, 500,639 ang populasyon ng lalawigang ito. Ito ang ika-30 pinakamaliit na probinsya sa Pilipinas. May densidad na 143 bawat km² (ika-25 pinakamaliit).
Kabilang sa mga wika na sinasalita dito ang Waray, Cebuano, Tagalog at Ingles
[baguhin] Heograpiya
[baguhin] Pulitikal
Nahahati ang Hilagang Samar sa 24 na munisipalidad, may dalawang distritong kongresyonal at may 569 na mga barangay.
[baguhin] Mga munisipalidad
|
|
[baguhin] Pisikal
Ang probinsyang ito ang ika-37 pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas na may 3,498 km² na sukat.