Wikang Cebuano
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang wikang Cebuano, kilala din sa tawag na Sugbuanon, ay isang wikang Austronesian na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang na 18,000,000 tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng Bisaya, Visayan at Binisayâ. Nanggaling ang pangalan mula sa pulo ng Pilipinas na Cebu, kasama ang Espanyol na hulaping -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar) na idinagdag sa hulihan nito. May tatlong letrang kodigo ito sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.