Davao Oriental
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Davao Oriental (Kastila para sa "Silangang Davao") ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Davao sa Mindanao. Mati ang kapital nito at napapaligiran ng Compostela Valley sa kanluran, at Agusan del Sur at Surigao del Sur sa hilaga. Pinaka-silangang lalawigan ang Davao Oriental kasama ang Punto ng Pusan (Pusan Point) bilang ang pinaka-silangang lokasyon. Nakaharap ang Davao Oriental sa Dagat Pilipinas, bahagi ng Karagatang Pasipiko, sa silangan. Nasa walang pangalang tangway ang lalawigan na sinasara ang Gulpo ng Davao sa kanluran.