Lanao del Sur
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Sensus ng 2000—800,162 (ika-29 pinakamalaki)
Densidad—207 bawat km² (ika-43 pinakamataas)
Ang Lanao del Sur ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Ang Lungsod Marawi ang kabisera nito. Napapalibutan ang Lanao del Sur ng mga lalawigan ng Lanao del Norte sa hilaga, Bukidnon sa silangan, at Maguindanao at Cotabato sa timog. Sa timog-kanluran makikita ang Look Illana, isang sangay ng Golpo ng Moro. Matatagpuan sa loob ng Lanao del Sur ang Lawa ng Lanao, ang pinakamalawak na lawa sa Mindanao, kung saan makikita ang Talon ng Maria Cristina, ang pinakamalaking talon sa bansa.