Gibraltar
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang gamit, tingnan Gibraltar (paglilinaw).
Ang Gibraltar ay panlabas na teritoryo ng Nagkakaisang Kaharian sa ibayong dagat. Matatagpuan ito sa katimogang bahagi ng Tangway ng Iberia sa Kipot ng Gibraltar na nag-uugnay sa Karagatang Atlantiko at Dagat Mediterranean at matatagpuan sa pagitan ng Europa at Aprika. Nakikibahagi ang teritoryong lupa nito sa Espanya, sa hilaga. Sa kasaysayan, naging mahalagang base para sa Sandatahang Lakas ng Britanya, at naging lugar para malaking base ng hukbong-dagat.
Nagmula ang saltia ng bato sa pangalang Arabo na Jebel al Tariq (جبل طارق) na nangangahulugang bato ng Tariq. Tumutukoy ito sa heneral na Ummayad na si Tariq ibn-Ziyad na namuno sa mga Muslim sa pagsakop ng Espanya noong 711. Kilala noong una bilang Calpe, isa sa Haligi ng Hercules. Sa ngayon, kilala ang Gibraltar sa kolokyal na tawag na "Gib" "the Rock" (ang Bato).
Ang malaking isyu ng pagtatalo ang soberenya ng Gibraltar sa relasyong Anglo-Kastila. Hinihiling ng Espanya ang pagbalik ng soberenya, inilipat ng Pransya sa benipisyo ng Espanya magpakailaman noong 1713. Palagiang sinasalungat ng mga taong-bayan sa Gibraltar ang anumang paglipat.
Categories: Stub | UK