Johann Sebastian Bach
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Johann Sebastian Bach (Marso 21, 1685 (O. S.) – Hulyo 28, 1750 (N. S.) ay isang Aleman na kompositor at organista ng panahong Baroque. Itinuturing siya na isa sa mga dakilang kompositor. Ang kanyang mga gawa, tanyag dahil sa kanilang intelektual na lalim (intellectual depth), teknikal na galing (technical command), at masining na ganda (artistic beauty), ay nagbigay ng inspirasyon sa halos lahat ng musiko sa tradisyong Europeo, mula kay Mozart hanggang kay Schoenberg.