Kastilyo ng Prague
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Kastilyo ng Prague (Czech: Pražský hrad) ay ang kastilyo sa Prague na kung saan dito ang naging tanggapan ng mga haring Czech, mga Banal na Emperador Romano at mga pangulo ng Czech Republic (at Czechoslovakia). Iniingat din dito ang mga koronang alahas ng Kahariang Bohemya. Isa ang Kastilyo ng Prague sa pinakamalaking kastilyo sa buong mundo (sang-ayon sa Guinness Book of Records ang pinakamalaking lumang kastilyo [1]) na mayroong 570 metro ang haba at may katamtamang lapad na 130 metro.