Dolyar ng Estados Unidos
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang dolyar ng Estados Unidos, o dolyar Amerikano, ay ang opisyal na pananalapi ng Estados Unidos. Ito rin ang pananalaping reserba na ginagamit nang malawak sa labas ng Estados Unidos. Sa kasalukuyan, nasa pagpipigil ng sistema ng Federal Reserve Banking ang pagpapalabas ng pananalapi. Ang simbolo ng dolyar ($) ang karaniwang simbolo para sa dolyar ng Estados Unidos. USD ang kodigo sa ISO 4217 para sa Dolyar ng Estados Unidos; tinutukoy din ng International Monetary Fund ito bilang US$.