Web - Amazon

We provide Linux to the World


We support WINRAR [What is this] - [Download .exe file(s) for Windows]

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
SITEMAP
Audiobooks by Valerio Di Stefano: Single Download - Complete Download [TAR] [WIM] [ZIP] [RAR] - Alphabetical Download  [TAR] [WIM] [ZIP] [RAR] - Download Instructions

Make a donation: IBAN: IT36M0708677020000000008016 - BIC/SWIFT:  ICRAITRRU60 - VALERIO DI STEFANO or
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Estados Unidos - Wikipedia

Estados Unidos

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

United States of America
Nagkakaisang Estado ng Amerika
Watawat ng the United States Sagisag ng the United States
Watawat Sagisag
Motto:
E pluribus unum (1789–kasalukuyan)
(Latin: “Mula sa marami, iisa”)
In God we trust (1956–kasalukuyan)
Pambansang awit: The Star-Spangled Banner
Lokasyon ng the United States
Punong lungsod Washington, DC
794 083 mi²/9 631 418) 38°53′ H 77°02′ K
Pinakamalaking lungsod Lungsod ng New York
Opisyal na wika Wala sa level fedeal;
de facto Inggles
Pamahalaan Demokratikong republikang federal
Pangulo
Bisepangulo
George W. Bush
Dick Cheney
Kalayaan mula sa Gran Bretanya 
 - Idineklara Hulyo 4, 1776 
 - Ikinilala Septyembre 3, 1783 
Lawak  
 - Kabuuan 3 794 083 mi²/9 631 418 km² (Ika-3)
 - Tubig (%) 4.87%
Populasyon  
 - Taya ng Hulyo 2005 296 500 000 [1] (Ika-3)
 - Sensus ng 2000 281 421 906
 - Densidad 31/km² (Ika-176)
GDP (PPP) Taya ng 2005
 - Kabuuan US$12 332 296 milyon (Una)
 - Per capita US$41 557 (Ika-3)
Pananalapi Dolyar Amerikano (USD)
Sona ng oras (UTC-5 hanggang -10)
Internet TLD .gov .edu .mil .us .um
Calling code +1

Ang Estados Unidos ng Amerika (Mga Nagkakaisang Estado ng Amerika o USA)—na tinutukoy ding bilang Estados Unidos (US), Amerika, o Isteyts—ay isang republikang federal ng limampung estado, na ang karamihan ay matatagpuan sa gitnang Hilagang Amerika. Ang US ay may tatlong lupang hangganan, dalawa sa Canada at isa sa Mehiko at ang iba ay pinaliligiran naman ng Karagatang Pasipiko, Dagat Bering, Karagatang Artiko, at ng Karagatang Atlantiko. Sa 50 mga estado nito, mayroong dalawa, ang Alaska at Hawai‘i, na hindi karatig ng mga natitirang apatnapu’t walo, ni hindi mismo karatig ng isa’t isa. Mayroon ding koleksyon ng mga distrito, teritoryo at pagmamay-ari ang US sa buong mundo. Ang bawat isa sa kanyang mga limampung estado ay may sariling mataas na level ng autonomya lokal na naaayon sa sistema ng federalismo. Ang isang mamamayan ng Estados Unidos ay karaniwang tinatawag na “Amerikano”.

Ang pambansang pinagmulan ng Estados Unidos ay mababakas sa deklarasyon ng labintatlong kolonyang British noong 1776 na wala ng sumasaklaw sa kanila at sila ay malalayang mga estado na, na pinatibay ng Tratado ng Paris (1783). Mula kalagitnaan ng ika-20 dantaon, naunahan na nito ang alinmang bansa sa impluwensya sa ekonomiya, politika, militar, at kultura.

Ang US ay natatag sa ilalim ng tradisyon ng pamahalaang may pagsang-ayon ng pinapamahalaan sa modelong demokrasyang representatibo. Ang modelong ito ng gobyernong presidensyal-konggresyonal ay nakopya rin ng maraming pang bansa, lalo na ng mga nasa Gitnang Amerika at Timog Amerika.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Estados Unidos

Matapos ang kolonisasyong Europeo ng Amerika, humilay ang labing-tatlong kolonya mula sa Nagkakaisang Kaharian at binuo ang Estados Unidos, isa sa pinakaunang modernong demokrasyang representatibo sa mundo. Ito ay nangyari matapos ang kanilang Deklarasyon ng Kalayaan noong 1776 at Digmaang Pangkalayaan (1775–1783). Ang orihinal na estrukturang pampolitika ay isang konfederasyon noong 1777, niratifika noong 1783 bilang “Articles of Confederation”. Matapos ang mahabang debate, ito ay nahalinhan ng Saligang Batas noong 1789 at nabuo ang isang mas sentralisadong pamahalaang federal.

Sa loob ng ika-19 dantaon, maraming bagong estado ang nadagdag sa orihinal na labintatlo. Habang lumalawak ang sakop ng bansa sa kontinenteng Hilagang Amerika, winawasak naman ang maraming bayan ng mga katutubong Indyo sa ilang dekada ng kampanyang militar at sa pamamagitan ng pamimilit, kaalamang militar at diplomatikong pagtitimbang, ang bansa ay nakalipon ng bilang ng mga pag-aaring lupa pati sa ibayong-dagat. Sa yugtong ito naging isang kapangyarihang industryal ang bansa. Ang dalawa sa mga naging pinakamahirap na karanasan ng bansa sa kasaysayan ay ang Digmaang Sibil (1861–1865) at ang Great Depression (1929-1939). Lumahok ito sa ilang mga pangunahing digmaan, mula Digmaan ng 1812 laban sa Nagkakaisang Kaharian, pagiging kaalyado naman nito noong Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumahok din ito sa mga Digmaang Koreano at Vietnam. Pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig at sumunod ang pagtumba ng Unyong Sovyet, lumitaw ang Estados Unidos bilang kaisa-isang superpower sa ekonomiya at militar ng buong mundo.

Silipin din: Kasaysayang militar ng Estados Unidos, Kronolohiya ng kasaysayan ng Estados Unidos

[baguhin] Politika

Pangunahing artikulo: Politika ng Estados Unidos

Ang Capitol ng Estados Unidos sa Washington, DC, kinalalagyan ng Konggreso ng US, ang sangay lehislatibo ng pamahalaan ng Estados Unidos.
Ang Capitol ng Estados Unidos sa Washington, DC, kinalalagyan ng Konggreso ng US, ang sangay lehislatibo ng pamahalaan ng Estados Unidos.
George W. Bush, kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos
George W. Bush, kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos

Ang Estados Unidos ng Amerika ay binubuo ng limampung estado na may limitadong awtonomiya at kung saan ang batas federal ang nananaig sa batas ng estado. Sa pangkalahatan, ang mga usapin sa loob ng hangganan ng mga estado ay saklaw ng kani-kanilang mga pamahalaang estado. Nabibilang dito ang panloobang komunikasyon; mga regulasyong may kinalaman sa pag-aari, industrya, negosyo, at kagamitang pampubliko; ang kodigong kriminal ng estado; at mga kondisyon ng pagtatrabaho sa loob ng estado. Ang District of Columbia ay pumapailalim sa hurisdiksyon ng Konggreso ng US, at may limitadong alituntuning lokal.

Ang saligang batas ng iba't ibang estado ay may pagkakaiba sa ilang detalye ngunit sa pangkalahatan ay kapwa sumusunod sa isang huwarang tulad ng sa Saligang Batas federal, kabilang dito ang pahayag sa karapatang pantao at ang plano ng pagbubuo ng gobyerno. Sa mga usaping gaya ng pagpapatakbo ng negosyo, mga bangko, kagamitang pampubliko at mga kawang-gawang institusyon, ang saligang batas ng bawat estado ay kadalasang mas detalyado at klaro kaysa sa Saligang Batas federal. Sa mga nakalipas na taon, umako ng mas malawak na responsibilidad ang pamahalaang federal sa mga bagay-bagay gaya ng kalusugan, edukasyon, kapakanan, transportasyon, pabahay, at pagsulong urban.

Ang pamahalaang federal mismo ay binubuo ng tatlong sangay: ang ehekutibo (pinamumunuan ng Presidente), ang lehislatura (ang Konggreso), at ang hudikatura (pinamumunuan ng Kataas-taasang Hukuman). Ang Pangulo ay nahahalal sa isang mandato ng 4 taon ng Electoral College, na nahihirang sa botong popular sa limampung estado. Ang mga myembro ng Konggreso ay nahahalal sa mga mandato ng 2 taon sa Kamara ng mga Kinatawan at ng 6 taon sa Senado. Ang mga hwes ng Kataas-taasang Hukuman ay tinatakda ng Presidente at may pahintulot ng Senado sa hindi limitadong termino. Itong modelong tripartite na ito ng gobyerno ay kinokopya sa level ng estado sa pangkalahatan. May iba't ibang anyo ang mga lokal na pamahalaan.

Ang pamahalaang federal at pang-estado ay pinamamayanihan ng dalawang pangunahing partidong pampolitika, ang mga Republikano at ang mga Demokrata. Mayroong ding ibang maliliit na partido; ngunit hindi sila nakakapanghikayat ng kasindaming taga suporta. Sa kabuuan, ang dominanteng kultura ng politika sa Estados Unidos ay tulad ng sa right wing ng mga demokrasya sa Europa at madalas na nakikitungo sa iba't ibang usapin. Mahirap tukuyin ang kategoryang kinabibilangan ng dalawang partidong ito. Sa kultura ng politika ng Estados Unidos, mailalarawan ang Partido Republikano bilang center-right at ang Partido Demokrata naman ay center-left. Ang mga kandidato ng mga partido menor at independiente ay bihirang nahahalal, at kung nahalal man ay sa lokal o estado lamang, ngunit sa sistema ng politika ng bansa, nananaig ang mga “hakot partido” sa mga koalisyon. Ang mga patakaran at ideolohiya ng kasalukuyang Presidente ng Estados Unidos ang may malaking ginagampanan sa patakbo ng kanyang partido, pati na rin sa plataporma ng oposisyon.

[baguhin] Patakarang panlabas

Ang paghaharing militar, ekonomiko, at kultural ng Estados Unidos ang dahilan kung bakit ito ay isang mahalagang tema sa politika ng bansa, bukod pa sa kahalagahan ng imahen ng Estados Unidos sa buong mundo.

Ang patakarang panlabas (foreign policy sa Inggles)ng US ay nauntog sa pagitan ng pamumukod o isolationism, imperyalismo at paghahalo ng mga ito, sa buong kasaysayan ng bansa.

Ang malakas na impluwensya nito sa politika at kultura ng buong mundo ay nagresulta sa sobrang pagkamuhi ng ilan dito anti-Amerikaniso, at pagpuri naman at paghanga para sa ilan Amerikofilya. Ang isang halimbawa nito ay si Ayatollah Khomeini na tinawag ang Estados Unidos ng Amerika na: “The Great Satan”.

[baguhin] Dibisyong pampolitika

Pangunahing artikulo: Mga dibisyong pampolitika ng Estados Unidos

Ang labing tatlong kolonya, sa Deklarasyon ng Kalayaan, ay bumuo ng kani-kaniyang bayang estado o estadong bansa na katulad ng mga bansa sa Europa noon. Sa mga sumunod na taon, dumami ang bilang ng mga estado sa US dahil sa paglawak nitong pakanluran, sa pananakop at pagbibili ng mga lupa ng pamahalaang pambansa, at sa paghahati ng ilang estado, nauwi sa kasalukuyang bilang na limampu. Ang mga estado ay pangkalahatang nahahati sa mas maliit na rehiyong administratibo, kabilang ang counties, mga lungsod at mga pamayanan o township.

Ang bansa ay may hawak din sa ilang mga teritoryo, distrito at pag-aari, nangunguna na ang distrito federal ng District of Columbia, ang kabisera ng bansa, ilang mga lugar na insular sa ibayong dagat tulad ng Puerto Rico, Samoa Amerikano, Guam, mga Hilagang Isla ng Marianas, at Virgin Islands ng Estados Unidos. Ang bansa ay nakapanghawak sa isang Base Naval sa inookupahang bahagi ng Guantánamo Bay sa Kuba mula 1898.

Walang pag-aangking teritoryal ang Estados Unidos sa Antartika ngunit nakapagreserba ng karapatang gawin ito.

[baguhin] Heograpiya

Template:Dual image Pangunahing artikulo: Heograpiya ng Estados Unidos

Bilang pangatlong pinakamalaking bansa sa buong mundo (sa kabuuang sukat), ang paysahe at mga tanawin sa Estados Unidos ay magkakaiba: lupang kakahuyang katamtaman (temperate forest) sa Silangang baybayin, bakawan sa Florida, ang Malaking Kapatagan sa gitang bahagi ng bansa, ang sistemang Ilog Mississippi-Missouri, ang mga Dakilang Lawa na parte rin ng sa Canada, mga Mababatong Bundok (Rockies) na nasa kanluran ng kapatagan, ilang disyerto at sonang katamtaman sa baybaying kanluran ng Rockies, at mga kagubatang katamtaman (temperate rainforest) sa bahaging Pasipiko ng Hilagang-Kanluran. Dagdag paysahe din ang Alaska at mga mabulkang pulo ng Hawai‘i.

Ang klima ay iba-iba rin: tropikal sa Hawai‘i at timog Florida, at tundra naman sa Alaska at sa mga tuktok ng matataas na bundok (pati ng Hawai‘i). Karamihan sa mga bahaging Hilaga at Silangan ay dumaranas ng klimang kontinental-katamtaman, may mainit na tag-araw at malamig na taglamig. Ang timog bahagi ng bansa naman ay dumaranas ng subtropikal na klimang umedo na may katamtamang taglamig at mahahaba at umedong tag-araw.

[baguhin] Lingks palabas

Sa ibang wika
Our "Network":

Project Gutenberg
https://gutenberg.classicistranieri.com

Encyclopaedia Britannica 1911
https://encyclopaediabritannica.classicistranieri.com

Librivox Audiobooks
https://librivox.classicistranieri.com

Linux Distributions
https://old.classicistranieri.com

Magnatune (MP3 Music)
https://magnatune.classicistranieri.com

Static Wikipedia (June 2008)
https://wikipedia.classicistranieri.com

Static Wikipedia (March 2008)
https://wikipedia2007.classicistranieri.com/mar2008/

Static Wikipedia (2007)
https://wikipedia2007.classicistranieri.com

Static Wikipedia (2006)
https://wikipedia2006.classicistranieri.com

Liber Liber
https://liberliber.classicistranieri.com

ZIM Files for Kiwix
https://zim.classicistranieri.com


Other Websites:

Bach - Goldberg Variations
https://www.goldbergvariations.org

Lazarillo de Tormes
https://www.lazarillodetormes.org

Madame Bovary
https://www.madamebovary.org

Il Fu Mattia Pascal
https://www.mattiapascal.it

The Voice in the Desert
https://www.thevoiceinthedesert.org

Confessione d'un amore fascista
https://www.amorefascista.it

Malinverno
https://www.malinverno.org

Debito formativo
https://www.debitoformativo.it

Adina Spire
https://www.adinaspire.com