Balut
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang balut (o Hột vịt lộn sa wikang Vyetnames) ay isang pagkain nanggaling sa Asya, lalo na sa Pilipinas, Tsina at Vietnam. Isa itong itlog ng bibe na dumaan sa pertilisasyon kasama ang isang halos na nabuong embryo sa loob na pinapakuluan at kinakain kapag nabalatan. Nagmula ang salita sa Tagalog na "balot".
Kadalasang binebenta ang balut sa gabi at ang mataas na protina ang nagiging dahilan upang isabay sa serbesa. Kinakain ito kadalasan ng may asin, suka, at/o sili para magkaroon ng lasa.
Sa Pilipinas, matatagpuan ang industriya ng paggawa ng balot sa Pateros.