Pagkain
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Tungkol sa pagkain na isang sustansya ang artikulong ito. Tignan ang pagkain (aktibidad) para sa impormasyon tungkol sa pagkain bilang isang aktibidad.
Ang pagkain ay anumang sustansiya na karaniwang kinakain o iniinom ng mga may buhay na organismo. Kabilang sa katagang pagkain ang mga likido na inumin. Isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya at ng nutrisyon para sa mga hayop, at karaniwan galing ito sa mga ibang hayop o halaman.
Agham ng pagkain ang tawag sa pag-aaral ng pagkain.
[baguhin] Kahulugan ayon sa batas
Sa batas ng pagkain sa Kanlurang mundo, mayroong kinikilalang apat na kategorya na bagay bilang pagkain:
- kahit anong sustansya o produkto, kahit na prinoseso, bahagdan lamang prinoseso, o hindi prinoseso, inakala, o inaasahan na kainin ng tao kahit na may nutrisyunal na halaga o wala;
- tubig at ibang mga inumin
- nginunguyang gum