Wikang Griyego
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Griyego (Griyego: Ελληνικά, bigkas /e·li·ni·ká/, “Eleniko”) ay bumubuo ng kanyang sariling sangay sa pamilya ng mga wikang Indo-European. Nagtataglay ito ng 3500 taon ng nakatalang kasaysayan, ang pinakamahaba sa anumang wikang Indoeuropeo. Isinasalita ito ng 15 milyong tao.