San Juan, Kalakhang Maynila
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng San Juan. | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon |
Lalawigan | — |
Distrito | Nag-iisang Distrito ng San Juan |
Mga barangay | 21 |
Kaurian ng kita: | Unang klase; urbanisado |
Alkalde | Joseph Victor "JV" Ejercito |
Opisyal na websayt | www.sanjuan.gov.ph |
Mga pisikal na katangian | |
Lawak | 5.94 km² |
Populasyon | 117,680 19,811/km² |
Coordinate | — |
- Para sa ibang gamit, tingnan ang San Juan.
Ang San Juan ay isa sa mga bayan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dating kabilang ito sa lalawigan ng Rizal hanggang opisyal na naging kabilang sa Kalakhang Maynila. Ang bayan ang ikalawang pinakamaliit sa mga lungsod at munisipaliad sa Kalakhang Maynila. Mas maliit lamang ang Pateros. Ang opisyal na mahabang pangalan ng San Juan ay Munisipalidad ng San Juan del Monte. Ito ang lugar ng unang labanan sa pagitan ng Katipunan, isang Filipinong organisasyong rebolusyonaryo, at ng Kastila.
Matatagpuan ang San Juan sa gitna ng Kalakhang Maynila. Napapaligiran ito ng Lungsod Quezon sa hilaga at silangan, Lungsod ng Mandaluyong sa timog, at lungsod ng Maynila sa kanluran. Ilang lamang sa mga interesadong lugar sa San Juan ang Dambana ng Pinaglabanan, na tinatakda ang unang labanan ng Katipunan, ang Greenhills Shopping Center, ang isa sa mga tanyag na pamilihan sa Kalakhang Maynila, lalo na ang mga elektronikang kagamitan, at ang Xavier School, isang tanyag na puro-lalaking hayskul sa Kalakhang Maynila. Matatagpuan din dito ang prestiyosong puro-babaeng Filipino-Intsik na paaralan ang Immaculate Conception Academy- Greenhills.
Sikat ang San Juan sa Pilipinas sa pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang patron, si San Juan Bautista. Nagdidiwang ang mga taga doon sa pamamagitan ng pagbabasa ng tubig kahit sino sa lansangan (katulad ng ginagawa sa pag-bautismo).
Dating nagsilbi si dating Pangulo Joseph Estrada bilang punong bayan sa San Juan, na sinasabing ng ilan na siya ang malawakang nagpasulong ng bayan.
[baguhin] Mga barangay
Nahahati ang San Juan into 21 barangay:
|
|
Mga lungsod at munisipalidad ng Kalakhang Maynila | |
Mga lungsod: | Kalookan | Las Piñas | Makati | Malabon | Mandaluyong | Maynila | Marikina | Muntinlupa | Parañaque | Pasay | Pasig | Lungsod Quezon | Taguig | Valenzuela |
Mga munisipalidad: | Navotas | Pateros | San Juan |