Metal
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang gamit, tingnan Metal (paglilinaw).
Sa kimika, isang metal (Griyego: Metallon) ang isang elemento na madaliang bumuo ng mga iono (cations) at mayroong mga kawing metaliko. Isinasalarawan minsan ang mga metal bilang isang lattice ng mga positibong iono (cations) na napapaligiran ng isang ulap ng delocalized na mga elektron. Ang mga metal ang isa sa mga tatlong pangkat na mga elemento na tinutukoy sa pamamagitan ng kanilang ionisasyon at mga katangian ng pagkawi, kasama ang mga metalloid at hindi metal. Sa talaang peryodiko, isang pahalang na guhit ang ginuguhit mula sa boron (B) hanggang polonium (Po) na hinihiwalay ang mga metal sa mga hindi metal. Mga metalloid ang mga elemento sa guhit na ito, minsang tinatawag na mga semi-metal; metal ang mga nasa babang kaliwa; hindi metal ang nasa taas na kanan.