Pasko
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Pasko (Wikang Ingles: Christmas, na may tuwirang salin na "Misa ni Kristo") ay isang araw ng pagngiling sa kalendaryong Kristiyano, na kadalasan ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre. Sa araw na ito ipinagdiriwang ang araw ng kapanganakan ni Hesus. Ayon sa mga mabuting balita ng mga Kristiyano (ebanghelyo), si Hesus ay isinilang ni Maria sa Bethlehem, kung saan ang kaniyang asawa na si Jose ay naglakbay pa upang magparehistro sa Roman Census. Ang mga Kristiyano ay naniniwala na ang kapanganakan ni Kristo, o natibidad (natividad), ay ang katuparan ng mga propesiya ng mga Hudiyo na darating ang mesiya, mula sa angkan ni David, upang iligtas ang sanlibutan mula sa kasalanan at siyang magsisilbing tulay sa pagkakawalay ng Diyos sa sangkatauhan. Ang katiyakan ang pagkakasunod sunod ng pangyayari mula sa pagkakasilang hanggang kamatayan, maging ang kasaysayan hinggil kay Kristo ay patuloy parin pinagdedebatihan.
Sa mga Kristiyanong bansa, ang Pasko ay isa sa pinakamalaking araw ng pagdiriwang na may mahalaga kung ang usapang pang-ekonomiya ang paguusapn. Ipinagdiriwang din ito bilang sekular na araw ng pagdiriwang maging sa maliliit na bayan na may Kristiyano. Nakilala ang pasko bilang araw ng pagpapalitan ng regalo o handog sa mga kasambahay, at mga supresa mula kay Santa Claus, isang malaking lalakeng masiyahin na may puting balbas at iba pang mga pigura o pagkakakilanlan. Ang lokal at pangrehiyonal na tradisyon patungkol sa Pasko ay karaniwang mayaman at nagkakaibaiba, sa kabila ng impluwensya ng mga Amerikano at Ingles na motifs.
Ang wikang Ingles ang salitang "Christmas" ay pinaikling "Christ's Mass" o may tuwirang salin na "Misa ni Kristo." Hango ang mga ito sa lumang Ingles na "Cristes mæsse" na tumutukoy sa relihiyoso at sagradong seremonya ng misa. Ito ay kadalasan na dinadaglat o pinapaiksa sa pormang "Xmas", dahil ang "X" o "Xt" ay kadalasan na tumutukoy kay "Kristo" Ang mga titik na X as Alpabetong Ingles at Filipino, ay kahalintulad ng titik X (chi) sa Alpabetong Griyego. Ito ang unang titik ng salitang "Christ" sa Griyegong salin na Χριστός, na may tuwirang salin na Christos. Ang salitang Crimbo naman, ay isang impormal na kasingkahulugan nito sa Ingles. Ang salitang Xmas ay binibigkas bilang "Christmas", gayumpaman, may ilan na gumagamit ng bigkas na "X-mas" o (eksmas) exmas.