Pangulo ng Pilipinas
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang pangulo ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng Pilipinas. Pinamumunuan ng pangulo ang Tagapagpaganap na sangay ng pamahalaan, na kinabibilangan ng Gabinete, at siya rin ang Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sang-ayon sa kasalukuyang saligang-batas (1987), ang pangulo ay nararapat na may gulang na 40 taon pataas, mamamayang Pilipino mula kapanganakan, at nakatira sa Pilipinas sampung taon bago ng halalan. Tuwirang ihahalal ng mga Pilipino ang pangulo na mananalo kung siya ang may pinakamalaking bilang ng boto. Magsisilbi ang pangulo ng isang termino sa loob ng anim na taon at hindi na makakatakbo muli para sa re-eleksyon, maliban kung siya ay naging pangulo sa pamamagitan ng constitutional succession at nagsilbi ng hindi hihigit sa apat na taon bilang pangulo.
Mga nilalaman |
[baguhin] Ang mga pangulo
Ang Pilipinas ay nagkaroon na ng labing-apat na pangulo. Sa kabila ng pagkakaiba sa saligang-batas at ng pamahalaan, itinuturing na walang hinto ang pagkasunod-sunod ng mga pangulo. Halimbawa, ang kasalukuyang pangulo, si Gloria Macapagal-Arroyo, ay itinuturing na panglabing-apat na pangulo.
Habang kinikilala ng Pilipinas si Aguinaldo bilang unang pangulo, hindi siya kinilala ng ibang bansa dahil bumagsak ang Unang Republika sa ilalim ng Estado Unidos pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Manuel L. Quezon ang kinilala bilang unang pangulo (at ang una na nanalo sa halalan — hinirang lamang si Aguinaldo) ng Estados Unidos at pandaigdig na kapisanang pangdiplomasya at pampulitika.
Nagkaroon ng dalawang pangulo ang Pilipinas sa isang punto sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumakatawan sa dalawang pamahalaan. Isa ay kay Quezon na kumakatawan sa pamahalaang commonwealth at ang isa ay kay J. P. Laurel na kumakatawan sa pamahalaang itinaguyod ng mga Hapon.
[baguhin] Unang Republika
- Emilio F. Aguinaldo: 1899-1901
[baguhin] Commonwealth ng Pilipinas
- Manuel Luis M. Quezon: 1935-1941, 1941-1944 (namatay)
- Sergio Osmeña, Sr.: 1944-1946 (nanungkulan sa pagkamatay ni Quezon)
- Manuel A. Roxas: 1946-1948 (naging pangulo ng Ikatlong Republika)
[baguhin] Ikalawang Republika
[baguhin] Ikatlong Republika
- Manuel A. Roxas: 1946-1948 (namatay)
- Elpidio R. Quirino: 1948-1949 (nanungkulan sa pagkamatay ni Roxas); 1949-1953
- Ramon F. Magsaysay: 1953-1957 (namatay)
- Carlos P. Garcia: 1957 (nanungkulan sa pagkamatay ni Magsaysay); 1957-1961
- Diosdado P. Macapagal: 1961-1965
- Ferdinand E. Marcos: 1965-1969, 1969-1972 (iprinoklama ang batas militar)
[baguhin] Panahon ng Batas Militar
- Ferdinand E. Marcos: 1972-1981 (namahala bilang isang diktator sa ilalim ng presidential decree)
[baguhin] Bagong Republika
- Ferdinand E. Marcos: 1981-1986 (inalis sa pwesto)
[baguhin] Ikalimang Republika
- Corazon C. Aquino: 1986-1992
- Fidel V. Ramos: 1992-1998
- Joseph Ejercito Estrada: 1998-2001 (pinatalsik sa pwesto)
- Gloria Macapagal-Arroyo: 2001 hanggang sa kasalukuyan