Nicolas Poussin
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Nicolas Poussin (Hunyo 15, 1594–Nobyembre 19, 1665) ay isang pintor na Pranses, ang nagtatag at pinadakilang tagapagsanay ng ika-17 siglong klasikong pagpipinta sa Pransya. Kinakatawan ng kanyang mga gawa ang kalinisang-budhi ng pagkamalinaw, lohika, at kaayusan. Hanggang ika-20 siglo, nanatili siya bilang namamayaning inspirasyon para sa mga klasikong mga pintor katulad nina Jacques-Louis David at Paul Cézanne.
Madalas siyang nasa Roma sa buong buhay niya maliban sa maikling panahon na inutusan siya ni Kardinal Richelieu na bumalik sa Pransya bilang Pintor para sa Hari.