Lungsod ng Paris
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa mga ibang gamit ng pangalan, tingnan ang Paris (paglilinaw).
Ang Paris ang punong lungsod ng France, at punong lungsod ng rehiyon ng Île-de-France, kung nabibilang ang Paris at ibang nayon sa nasasakupan nito. Ang lungsod ng Paris mismo ay isa ring departamento, tinatawag na département de Paris.
Ang Paris ay sentro ng pakikipag kalakalan. May malakas rin itong impluwensya pagdating sa mga turismo. Ito ay napapaligiran ng mga naglalakihan at naggagandahang mga istablisimento na my kakaibang disenyo at mga naggagandahang ilaw sa gabi. Ito rin ang isa sa kinilalang romantikong lunsod.