Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Di pormal na kinikilala na lahat ng bansa na lumahok sa Unang Digmaang Pandaigdig ay nasangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.