Cleopatra VII ng Egypt
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Cleopatra VII Filopátor (Gryego: Κλεοπάτρα θεά φιλοπάτωρ) (Disyembre 70 BCE o Enero 69 BCE–Agosto 12, 30 BCE) ang reyna ng makalumang Ehipto. Siya rin ang huling miyembro ng dinastiyang Macedonian Ptolemaic, at dahil dito, sya rin ang huling Griyegong namuno sa Ehipto. Ang kaniyang ama ay si Ptolemy XII Auletes.
Ang pangalang "Cleopatra" ay hango sa Griyegong salita na ang ibig sabihin ay "luwalhati ng ama". Ang kaniyang buong pangalan ay Kleopátra Theá Filopátor na may pakahulugang "ang Diyosa Cleopatra, Minamahal ng Kaniyang Ama".
Sa kasalukuyan, marahil isa na siya sa pinakatanyag sa lahat ng namuno sa makalumang Ehipto; at kinilalarin sa pangalang "Cleopatra". Ang lahat ng kaniyang sinundan ay nakalimutan na. Sa katunayan, hindi namunong magisa si Cleopatra. Kapinuno, o kasama niyang namuno ang kaniyang ama, kapatid na lalaki, kapatid-asawa, at anak. Gayumpaman, sa lahat ng mga pagkakataong ito, ang mga kapinuno niya ay hari lamang sa pangalan dahil si Cleopatra ang may tunay na kapangyarihan.
Nagpakamatay si Cleopatra kasama si Marcus Antonius noong 30 BCE.