CALABARZON
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang CALABARZON ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na mga lalawigan:
Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ang mga lalawigan na ito ay mga lalawigan ng Rehiyon IV-A na nasa pangunahing isla ng Luzon.
Ang rehiyon na ito ay nasa Timog-kanlurang Luzon,timog at kanlurang bahagi ng Metro Manila, at pumapangalawa sa pinaka-mataong rehiyon.
Ang CALABARZON at MIMAROPA ay dating magkasama bilang Timog Katagalugan hanggang ito ay paghiwalayin sa bisa ng Executive Order No.103, noong ika-17 ng Mayo 2002.
Sa bisa ng Executive Order No. 246, na nilagdaan noong ika-28 ng Oktubre 2003, ang Lungsod ng Calamba ay itinalagang sentrong pang-rehiyon ng CALABARZON.