Balaklaot
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang balaklaot o monsoon ay isang peryodikong hangin, lalo na sa Karagatan ng India at katimugang Asya. Ginagamit din ang salita mula sa panahon na umiihip ang hanging ito mula sa timog-kanluran sa India at karatig na mga lugar na may mabigat na presipitasyon, partikular ang presipitasyon na kasama ng hangin na ito.