Wikipedia:Mga huling dinagdag
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ito ang mga huling mga bagong artikulo sa Wikipedia na napili sa Unang Pahina bilang bahagi ng Alam ba ninyo? Tingnan ang mga bagong pahina para sa kumpletong tala ng mga bagong pahina. Hindi pa gaanong mahigpit ang Tagalog Wikipedia sa mga patakaran sa pagdagdag sa "Alam ba ninyo?" at kahit sino ay maaaring magdagdag.
Ito lamang ang mga paunang gabay sa pagdagdag ng paksa sa "Alam ba ninyo?":
- Tumingin ng mga bagong pahina sa Special:Newpages para maidagdag.
- Hindi isang pangkalahatang seksyon ng trivia ang "Alam ba ninyo?".
- Dapat nasa loob ng nakaraang 5 araw ng Mga Bagong Pahina ang artikulo na idadagdag.
- Nasa artikulo dapat ang binanggit sa "Alam ba ninyo?"
- Kailangang may larawan ang nasa pinakaibabaw na paksa.
- Dapat naka-'''BOLD''' ang titulo ng bagong dinagdag na paksa sa "Alam ba ninyo?"
- Sa pangkalahatan, nakalimita lamang sa TATLONG (3) paksa, ngunit kung anumang kaso - siguraduhing susukat ito sa pahina noong mga panahong iyon. Gamitin ang inyong sintudo kumon.
- Idagdag dito ang mga paksang tinanggal sa "Alam ba ninyo?"
[baguhin] Supnayan ng mga napiling "Alam ba ninyo?"
Alam ba ninyo...
- ...na isa sa mga pinakatanyag na seryeng Hapon na super robot anime sa Pilipinas ang Voltes V, bagaman, nagkaroon ng intriga politikal at kontrobersiya pagkatapos ipagbawal ito ng dating Pangulong Marcos?
- ...na isang nagngangalang Valentin Viola na kaibigan ni Jose Rizal ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang El Filibusterismo noong Setyembre 22, 1891?
- ...na naging tanyag ang pagsuot ng Barong Tagalog sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay ng Pilipinas?
- ...na tinuturing ang gawa ni Dante Alighieri na la Divina Commedia (Ang Banal na Komedya) bilang ang pinakadakilang pangungusap pang-panitikan sa Europa noong Gitnang Panahon, at ang batayan ng makabagong wikang Italyano?
- ...na noong 1999, nagkasama muli ang The Dawn kasama sina Francis Reyes at Atsushi Matsuura sa gitara at nagpatugtog sa 2000 today Global Millennium Day Broadcast ng GMA Network sa Abenida ng Ayala, Lungsod ng Makati, at sa taong din na iyon ni-rekord nila ang Prodigal Sun.
- ...na ang Villeneuve d'Ascq ay lungsod sa pinakahilagang bahagi ng Pransya, sa département ng Nord, 10 km ang layo mula sa hangganan ng Belhika?
- ...na isa si Bill Gates sa mga sumulat ng larong pang-kompyuter na DONKEY.BAS para sa PC-DOS operating system?
- ...na ang Lating Pansimbahan, na may sariling pamamaraan ng pagbigkas, ang uri ng Latin na ginagamit ng Simbahang Katoliko?
- ...na si Sir Isaac Newton ay isang Ingles na pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo, at alkimiko?