Ludwig van Beethoven
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Ludwig van Beethoven (bininyagan Disyembre 17, 1770 – Marso 26, 1827) ay isang Aleman na kompositor ng Classical music, ang prominenteng musiko sa panahon ng pagbabago mula sa panahon ng Classical music patungong panahon ng Romantic music. Siya ay itinuturing na isa sa mga dakilang kompositor, at ang kanyang reputasyon ang pumukaw – minsan naman ay tumakot – sa mga kompositor, musiko, at tagapakinig na sumunod sa kanya.
[baguhin] Talambuhay
- Araw ng kapanganakan: Disyembre 16, 1770
- Araw ng kamatayan: Marso 26, 1827
- Pook ng kapanganakan: Bonn, Alemanya (Germany)
- Pangunahing tirahan: Vienna, Austria
[baguhin] Mga piling kaganapan sa buhay ni Beethoven
- 1792
- Naglakbay patungong Vienna upang mag-aral ng Komposisyon kay Franz Joseph Haydn. Sa Lunsod ding ito siya nanirahan.
- 1798
- Nakumpleto ang "Sonata Do minor Opus 13" (Pathetique)
- 1801
- Nilikha ang "Sonata Do sostenido minor Opus 27/2" (Moonlight)
- 1804
- Nakumpleto ang "Sinfonia Blg. 3, Mi bemol major op. 55" (Eroica)
- 1805
- Nakumpleto ang "Sonata sa Fa minor op. 57" (Appassionata)
- 1808
- Nakumpleto ang "Sinfonia Blg. 5 sa Do minor" op. 67
- 1809
- Pinagkalooban ng pangtaunang sweldo ni Archduke Rudolph at ng iba pang miembro ng nobilidad Austriano upang makalikha ng musika at makapamuhay na nagsasarili.
- 1818
- Nakumpleto ang "Sonata sa B bemol major op. 106" (Hammerklavier)
- 1823
- Nakumpleto ang "Misa re major op. 123" (Missa Solemnis)
- 1824
- Nakumpleto ang Sinfonia Blg. 9 sa Re minor op. 125 (Choral)
Noong 1812 isinulat ni Beethoven ang liham patungkol sa isang minamahal ngunit hindi niya ito ipinadala sa kanyang babaing sisisinta na tinatawag niyang " Iniibig magpawalang-hanggan" "Immortal Beloved." Hindi kailanman nagasawa si Beethoven at kadalasan ay hindi naging maligaya sa pangsariling pamumuhay na naging dahilan ng kanyang pagkakasakit na pinatindi pa ng labis na pagaalala sa kanyang pamangkin na si Karl na kanyang inaaruga. Napagtanto ni Beethoven noong mga taong 1800 na untiunti syang nawawalan ng pandinig hanggang sa lubusan syang nawalan ng pandinig noong taong 1819.