Kasaysayan ng agham at teknolohiya
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang kasaysayan ng agham at teknolohiya ay isang larangan ng kasaysayan na sinusuri kung papaano inuunawa ng buong sangkatauhan ang pagbabago agham at teknolohiya sa loob ng dantaon, at kung papaano napahintulot ng pagkaunawang ito na gumawa ng mga bagong teknolohiya. Pinagaaralan din ng larangang ito ng kasaysayan ang ginagampanan ng kultura, ekonomiya, at politika sa pagbabago ng agham.
Kinuha ang anyo ng makabagong matematikang agham at pisikal na inhinyeriya, ayon sa pagkaunawa ngayon, mula sa rebolusyong agham, ngunit tinayo mula sa gawa ng mga kabihasnang Griyego at Islamik, na natutunan naman nila sa kabihasnang Ehipto, Mesopotamya, at Bumbay. Sa teknolohiya, karamihan sa panahon ng kasaysayan hanggang sa oras na iyon, ang Tsina ang pinaka-masulong bahagi ng mundo.