Karbon
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang karbon (o karbono) ay isang elementong kimikal sa talaang peryodiko na may simbolo na C at bilang atomiko na 6. Matatagpuan ang karbon sa lahat ng organikong buhay at ang batayan ng organikong kimika. May interesadong katangiang kimikal ang hindi metal na elementong ito na maaaring ikawi sa sarili nito at sa malawak na iba't ibang mga elemento, binubuo ang halos 10 milyong mga kompuwesto. Kapag sinama sa oksihena, binubuo ang dioksido karbono (carbon dioxide) na napakahalaga para sa paglago ng isang halaman. Kapag sinama sa idroheno, binubuo ito ng mga iba't ibang mga kompuwesto na tinatawag na mga idrokarburo (hydrocarbons) na mahalaga para sa industriya sa anyo ng mga fossil fuel (panggatong fossil). Kapag pinagsama sa parehong oksihena at idroheno, bumubuo ito ng mga iba't ibang mga kompuwesto kabilang ang mga matatabang asido, na mahalaga sa buhay, at mga ester, na nabigigay lasa sa maraming mga prutas. Karaniwang ginagamit sa radyoaktibong pagtataya ang karbon-14 na isotope.