Ipo-ipo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang ipo-ipo ay isang bayolenteng umiikot na mala-haliging hangin na sumasayad sa lupa. Kadalasang hugis imbudo ang ipo-ipo na may makipot na dulo sa lupa. Kilala ang ipo-ipo sa pagiging mapangwasak nito at kadalasang makikita ito hinggil sa singaw ng tubig mula sa mababang presyon ng kondensasyon at mga sukal mula sa lupa.