Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions Himagsikang Pilipino - Wikipedia

Himagsikang Pilipino

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

Ang Himagsikang Pilipino (1896—1898) ay isang labanan sa pagitan ng Imperyong Kastila at ng Katipunan.

Mga nilalaman

[baguhin] Prologo

Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 300 taon nang pinamumunuhan ng mga Kastila ang Pilipinas. Noong panahong yaon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihan sa kulunya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila, indio) sa pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (polo). Dahil dito, ilang pag-aalsa na ang naganap sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di nagtagumpay. Ito'y salamat sa patakaran ng mga Kastila ng divide et impera-hatiin at sakupin. Halimbawa, magpapadala ang mga Kastila ng mga sundalo mula sa mga lalawigang Tagalog para supilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at isang pag-aalsa sa Kabisayaan ang pinigil ng mga sundalo mula Pampanga. Ito ang nagpatindi ng hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino, hindi magkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo.

[baguhin] Sanhi

Kung ano ba ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloob na mga sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produkto galing sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan ay dumaan sa Suez at papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng mga nangangasiwa kulunyal o ng praylokrasya. Ang mga taong binago ng mga kaisipang ito ay siya ring nakinabang sa mapagkakakitaang kalakalang ito-ang mga ilustrado. Pinadala ng mga ilustrado ang kanilang mga anak sa mga pamantasan sa Europa, kung saan sinimulan ng marami sa kanila (sina Rizal, Lopez-Jaena, atbp) ang nagtatag ng Kilusang Propaganda.

Ang panloob na sanhi ay ang walang-katarungang pagbitay sa GOMBURZA. Isang paring Pilipino, si Padre Pedro Pelaez ang nagpasimuno ng isang kilusang sikularisasyon noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Layon ng kilusang ito na ibigay sa mga paring katutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga Kastilang pari. Pagkatapos na mamatay si Pelaez sa isang lindol, tinuloy ng tatlong pari-sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.

Hindi nagustuhan ng mga prayle ang bagay na ito at sila'y naghanap ng pwedeng maibintang sa tatlong pari. Natupad ito nang isang rebelyon ng mga sundalo sa moog sa Kabite ang madaling nasupil. Agad na isinisi ng mga prayle ang rebelyon (na pinamunuan ng isang nagngangalang Sarhento LaMadrid) kina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora (pagbawas sa suweldo ng mga sundalo ang sanhi ng rebelyon). Sa kabila ng kakulangan ng patunay na nagdidiin sa kanila sa rebelyon, hinatulan ang tatlo-kinilala pagkatapos bilang Gomburza-na garotihin noong ika-17 ng Pebrero, taong 1873. Hindi pinayagan ng arsobispo ng Maynila (na naniniwala sa kawalang-kasalanan ng tatlo) na sila'y alisan ng sutana. Sa halip, inutos nito ang pagpapatunog ng mga kampana bilang tanda ng pagdadalamhati.

Marami sa mga kakampi ng Gomburza ang tinapon papalabas o kusang umalis sa Pilipinas. At marami sa mga Pilipinong piniling manatili ang nanghilakbot sa nangyari. Ilang taong lumipas, isang ilustradong duktor na nagngangalang Jose Rizal ang magpapatunay na ito ang nagbago sa kanyang buhay.

[baguhin] Ang Kilusang Propaganda

Itinatag ng ilang mga mag-aaral na Pilipino sa Europa ang Kilusang Propaganda, gulat sa kaibahan ng Espanya sa kanyang kulunya sa Timog-Silangang Asya. Layon ng kilusang ito, na kinabibilangan nina Jose Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, at iba pa, ang pagpapalaganap ng mga reporma sa Pilipinas, tulad ng sikularisasyon at gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Sa pamamagitan ng tuwinggabihang pahayagan na La Solidaridad, pati na rin sa mga akda ng ilan sa mga kasapi nito, naihayag nila ang kanilang mga saloobin tungkol sa kung ano ba dapat ang baguhin sa Pilipinas.

Sa kabila ng lahat ng ito, sa huli, nabigo ang Kilusang Propaganda na tuparin ang nakaatas na layon nito. Nahati ang kilusan sa isang maka-del Pilar na paksyon at isang maka-Rizal na paksyon, bagay na naging dahilan ni Rizal para iwanan ang Espanya-at Europa. Ang napakalungkot at napakamasalimuot na pagkamatay nina Lopez-Jaena at del Pilar ang huling dagok sa kilusan. Sa halip, ang nasimulan ng Kilusang Propaganda ang nagbigay-inspirasyon sa dalawang kilusang sumunod nito.

[baguhin] La Liga Filipina

Pagkatapos ang pagbalik ni Rizal sa "Perlas ng Silangan" noong 1892, itinatag niya ang La Liga Filipina (Samahang Pilipino) noong taong ding yaon. Layunin ng kilusang ito, na kinabibilangan ng mga tulad nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini, na ituloy ang programa ni Rizal na panloob na reporma sa Pilipinas. Hindi nagustuhan ng mga Kastila ang pagtatag sa kilusang ito (ito'y marahil sa isa sa mga nakasaad sa kasulatan ng Liga, na naghihikayat ng "pagtatanggol laban sa karahasan at kawalang-katarungan") at noong ika-6 ng Hulyo ay dinakip si Rizal at itinapon sa Dapitan sa lalawigan ng Zamboanga.

Nahati ang samahan pagkatapos ng pangyayaring ito. Ang makagitnang pangkat ay binuo muli ang sarili nito na Cuerpo de Compromisarios (Samahan ng mga Kumprumisaryo) na may layuning magbigay ng pera sa La Solidaridad. Ang radikal na pangkat, sa pamumuno ni Bonifacio, ay naging Katipunan.

[baguhin] Katipunan

Static Wikipedia (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2007 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2006 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu

Static Wikipedia February 2008 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu