La Solidaridad
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang La Solidaridad ay ang naging pangalan ng isang samahan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya na naghangad na magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes Generales. Ito rin ang naging pangalan ng opisyal na pahayagan ng samahan na itinatag noong Disyembre 13, 1888.
Ang naging pangulo nito ay si Galicano Apacible, pinsan ni José Rizal. Ang mga ibang naging opisyal nito ay sina Graciano López Jaena, pangalawang pangulo at si Mariano Ponce, ingat-yaman. Si Rizal, na nasa London noong panahong iyon, ay naging Pangulong Pandangal. Ngunit, kahit ang ibig sabihin ng pangalan ng samahan ay "the soliditary", naghirap ang samahan dahil sa hindi-pagkakaunwaan at anarkiya. Kinailangan ang maimpluwensyang opinyon ni Rizal at ang talino ni del Pilar para magkaunawaan ang mga Pilipino sa Espanya at mabigyang halaga ang kanilang mga layunin.
Ang pahayagan naman ay lalong nagpalakas sa samahan at naging opisyal na pahayagan nito mula noong Pebrero 15, 1889 hanggan Nobyembre 15, 1895. Ang mga donasyon ng mga komiteng lokal at ang pamamahagi nito sa taong-bayan ay lalong nag-enganyong sumama ang mga indibidwal sa kampanya para sa mga pagbabago.