Burkina Faso
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Burkina Faso ay isang bansang walang pampang sa Kanlurang Aprika na napapaligiran ng anim na mga bansa — Mali sa hilaga, Niger sa silangan, Benin sa timog-silangan, Togo at Ghana sa timog, at Côte d'Ivoire sa timog-kanluran. Dating Republika ng Upper Volta, binago ang pangalan noong Agosto 4, 1984 ni Pangulong Thomas Sankara upang ikahulugang "ang lupain ng mga matutuwid na tao" (o "matuwid na lupain") sa Mossi at Dioula, ang pangunahing mga wika sa bansa. Naging malaya sila sa Pransya noong 1960. Nagkaroon ng halalang may maramihang partido noong dekada 1970 at 1980 dahil sa hindi pagiging matatag ng pamahalaan. May mga ilang daang libong manggagawa sa mga kabukiran ang nangibang-pook bawat taon sa Côte d'Ivoire at Ghana upang maghanap ng trabaho. Tinatawag na Burkinabé ang mga nakatira sa Burkina Faso.