Bank of the Philippine Islands
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Uri | Publiko (PSE: BPI) |
---|---|
Itinatag | Maynila, Pilipinas (1851) |
Lokasyon | Lungsod ng Makati, Pilipinas |
Mga mahahalagang tao | Jaime Augusto Zobel de Ayala II, Tagapangulo Aurelio R. Montinola III, Pangulo |
Industriya | Pananalapi at Seguro |
Mga produkto | Serbisyong pananalapi |
Kita | P6.668 bilyong PHP (17%) (2004) [1] |
Mga manggagawa | 10,425 |
Websayt | www.bpi.com.ph |
Ang Bank of the Philippine Islands o BPI ay ang pinakamatandang bangko sa Pilipinas na bukas pa para sa operasyon at ang ikalawang pinakamalaking bangko sa Pilipinas, kasunod ng Metrobank. Ang Ayala Corporation ang nagmamay-ari ng bangko at naka-base ito sa Central Business District ng Lungsod ng Makati, sa panulokan ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas.
Ang BPI rin ay ang pinakamatandang bangko sa buong Timog-silangang Asya at mayrong itong isang kasaysayan na nakadangkal ng mahigit sa isang siglo. Ito ay nag-impluwensya o na-impluwensya ng maraming bansa, tulad ng mga iba't-ibang bahagi ng dating Imperyong Espanyol, tulad ng Mehiko, at ng Estados Unidos.
Nauna rin ang BPI sa konsepto ng pagbabangko para sa mga magsasaka (Ingles: rural banking) sa Pilipinas, dahil ang mga operasyon ng BPI sa ganung operasyon ay nauna sa buong Pilipinas, bago nagkaroon ng mga bangko para sa ganung klase ng kliente, tulad ng Land Bank of the Philippines. Sa kasalukuyan, mayrong 709 na sangay ang BPI, at marami sa mga sangay na ito ay galing sa panahon ng mga Kastila o ng mga Amerikano. Ito ay isa sa mga pinamalaking network ng mga sangay sa buong industriya.
Nakakuha na ang bangko ng maraming gawad galing sa mga magasing pang-pananalapi, tulad ng Euromoney at ng Far Eastern Economic Review. Ang pinakabagong gawad na nakuha ng BPI ay para sa pinakamagaling na bangko noong 2005.