Alona Alegre
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Alona Alegre ay isang artistang Filipino. Isinilang siya sa Maynila noong 1947 at siya ay anak ng Komedyanteng si Lou Salvador at nakababatang kapatid nina Leroy Salvador, Lou Salvador Jr at nakatatandnag kapatid ni Phillip Salvador.
Una siyang gumanap bilang isang batang mahirap na nakatira sa barong-barong noong 1955 para sa pelikula ng LVN Picture na Tagapagmana.
Nagbalik pelikula noong 1964 at gumanap sa ilang mga maseselang pelikula noong huling yugto ng dekada 60.
Naging kontrobersiyal din siya sa kanyang pelikula noong dekada 70s sa Mga Uhaw na Bulaklak.
[baguhin] Pelikula
- 1955 - Tagapagmana
- 1964 - Eva sa Paraiso
- 1970 - Love Letters
- 1974 - Mga Uhaw na Bulaklak -
- 1977 - Kapitana Ester
- 1978 - Mga Kalapati ng Dewey Boulevard
- 1978 - Bawal: For Men Only