Romi Garduce
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Romeo "Romi" Garduce (ipinanganak 1969 sa Balanga, Bataan), pinapalayaw minsan bilang "Garduch", ay isang Pilipinong namumundok at nagtratrabo bilang Propesyunal ng IT sa Procter and Gamble Philippines. Nagsimula siyang umaakyat ng bundok para sa kawang-gawa noong 1991 bilang kasapi ng UP Mountaineers.
Nang maakayat niya ng tuktok ng Bundok Aconcagua noong Enero, 2004, si Garduce ang unang Pilipino na nakaayat sa isa sa mga Pitong Tutok (Seven Summits).
Noong Setyembre 26, 2005, si Romi Garduce ang unang Pilipino na nakaayat sa Cho Oyu, ang pinakamataas na naakayat ng isang Pilipino noong mga panahon na iyon. [1] Bagaman, noong Mayo 17, 2006, tinalo ni Leo Oracion ang tala na iyon nang naakyat niya ang tuktok ng Bundok Everest, ang pinakamataas na bundok sa Daigdig, at tinayo ang watawat ng Pilipinas. [2]
Mga nilalaman |
[baguhin] Pagsubok ng pag-akyat sa Bundok Everest
Sinubok ni Garduce na akyatin ang tuktok ng Everest sa nag-iisang misyon na sinuportahan GMA Network kasabay ng koponan ni Leo Oracion, ang First Philippine Mount Everest Expedition (FPMEE) at pangunahing sinusuportahan ng ABS-CBN. [3] Bagaman tinalo ni Oracion si Garduce, nagpatuloy siya sa pag-akyat sa tuktok.
On Mayo 19, 2006, Garduce became the third Filipino to reach the summit of Mount Everest after Oracion and Emata. [4] Naging mas maaga sana ang pag-akyat ni Garduce sa tuktok ng Everest ngunit pinayuhan siya ng kanyang mga tagagabay na Sherpa na huwag ng mapatuloy dahil sa masamang panahon. Nang malaman niya na nakarating na sina Oracion at Emata sa tuktok, nilinaw ni Garduce na hindi siya nakikipagkarerahan at labis siyang nasiyahan para sa kanila (Oracion at Emata). [5]
Pagkatapos maakyat ng tatlog mga Pilipino ang tuktok ng Everest, pinahatid ni Sir Edmund Hillary sa isang panayam ng GMA Network sa kanyang tahanan sa Auckland ang kanyang pagbati sa tatlong Pilipino sa kanilang determinasyon at binigay ang kanyang labis na paggalang sa koponan ng ekspidisyon. [6]
[baguhin] Tala ng mga naakyat na bundok
[baguhin] Hindi alam ang petsa
- Bundok Nagcarlan, Laguna, Pilipinas
- Bundok Daedun, Timog Korea
- Bundok Rokko, Kobe, Hapon
[baguhin] Alam ang petsa
- Annapurna, Nepal-Himalaya (Nobyembre 1998)
- K2, Pakistan-China at ibang mga bansa (Septyembre 2001, nakarating sa baseng kampo lamang)
- Mount Kilimanjaro, Tanzania (Setyembre 2002)
- Pokalde, Khumbu, Nepal (Oktubre 2003)
- Gokyo, Nepal (Oktubre 2003)
- Kala Pattar, Nepal (Oktubre 2003)
- Bonete, La Rioja, Argentina (Enero 2005)
- Bundok Aconcagua, Argentina (Enero 2005)
- Bundok Elbrus, Russia (Agosto 2004, hindi narating ang tuktok)
- Cho Oyu, Nepal-Tibet (Setyembre 2005)
- Bundok Everest, Nepal-Tibet (Nakarating sa tuktok ng mga 12:00 P.M. (Oras sa Nepal) May 19, 2006)
[baguhin] Mga plano sa hinaharap
Nagplaplano si Garduce na akyatin ang Pitong Tuktok ng pitong mga kontinente ng mundo para sa kawang-gawa hanggang 2014. Nakarating na siya ng tatlo, Bundok Kilimanjaro (pinakamtaas sa Aprika), Bundok Aconcagua (pinakamataas sa Timog Amerika), at ang pinakamataas sa Asya at sa buong mundo, ang Bundok Everest. Nakaakyat siya sa Bundok Elbrus (pinakamataas sa Europa) ngunit kinansela ito sa taas na 5,400 m due dahil sa masamang panahon. Malamang na akyatin niya muli ang Mount Elbrus at abutin ang tuktok, gayon din ang iba pa na pinaplano na mga pag-akyat — Bundok Denali (pinakamataas sa Hilagang Amerika), Carstensz Pyramid (pinakamataas sa Australasia) at Bundok Vinson (pinakamataas sa Antartika).