Web - Amazon

We provide Linux to the World


We support WINRAR [What is this] - [Download .exe file(s) for Windows]

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
SITEMAP
Audiobooks by Valerio Di Stefano: Single Download - Complete Download [TAR] [WIM] [ZIP] [RAR] - Alphabetical Download  [TAR] [WIM] [ZIP] [RAR] - Download Instructions

Make a donation: IBAN: IT36M0708677020000000008016 - BIC/SWIFT:  ICRAITRRU60 - VALERIO DI STEFANO or
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Oktubre 2005 - Wikipedia

Oktubre 2005

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

SetOktubreNob
LU MA MI HU BI SA LI
31 27 28 29 30 1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
2005
Kalendaryo

[baguhin] Oktubre 1, 2005 (Sabado)

  • Naiulat ng Washington Post na umaga ng araw na ito, nang nagpatuloy ang Estados Unidos sa pagpapaulan ng mahigit na 1000 miyembro ng hukbong sandatahan patungo sa Sadah, Iraq. Ang nasabing pag-atake ay pakikipagdigma sa tagasuporta ng al Qaeda.
  • Isiniwalat ng Bloomberg.com ang halos makatatlong ulit na presyo ng kerosene at dobleng singil sa taripa ng diesel upang matugunan ang ilang usaping pang-ekonomiya.
  • Ayon sa CNN International, ang Labour Party ay naghuhudyat ng interest sa pagkakatatag ng minoryang pamahalaan, matapos na makompirma ng Electoral Office ng nasabing bansa na sakop nito ang pinakamalaking bilang ng posisyon sa parliyamentarya.
  • Sa ulat ng BBC News, ipagbabawal na ang mga pagkaing may mataas na lebel ng taba, asin at asukal sa mga paaralan sa United Kingdom. Ipatutupad ito sa Septyembre 2006.
  • Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, bababa ang inflation rate mula sa 7.2 patungong 6.6 pinakamataas na ang 7.1

[baguhin] Oktubre 2, 2005 (Linggo)

[baguhin] Oktubre 3, 2005 (Lunes)

  • Pinarangalan ang mga Australyanong Barry J. Marshall at Robin Warren ng 2005 Nobel Prize sa Pisiyolohiya o Medisina "para sa pagtuklas nila sa bakterya na Helicobacter pylori at ang kanyang ginagampanan sa mga sakit na gastritis at peptic ulcer". (BBC)
  • Milyong mga tao ang nakikita ng solar eclipse na naganap noong 10:31 UTC, karamihan sa Aprika at timog-kanlurang-Europa.(BBC)

[baguhin] Oktubre 4, 2005 (Martes)

  • Ipinahiwatig ng Pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush ang kanyang pag-alala sa potensyal na potential pagsiklab ng avian flu. Hiniling niya sa lehislatura ng Kongreso na payagan ang militar na magpatupad ng isang quarantine kung mangyari ang isang nakakamatay na flu pandemic. (IndyStar)

[baguhin] Oktubre 5, 2005 (Miyerkules)

  • Sinalanta ng Hurricane Stan ang Mehiko at Gitnang Amerika, mga 66 katao ang namatay, karamihan sa pagguho ng lupa (landslides) sa El Salvador. (CBC)
  • Nagpalabas ang mga obispong Romano Katoliko sa Inglatera, Wales, at Scotland ng isang gabay sa pagtuturo na pinapaliwanag ang mga ilang nasasaad sa Biblia na hindi dapat ipakahulugan sa literal na konteksto. Tinuturing na "simbolikong wika" ang Paglilikha, Hardin ng Eden at ang paglalang kay Eba mula sa tadyang ni Adan. (Scotsman)

[baguhin] Oktubre 6, 2005 (Huwebes)

  • Nakauwi na sa bansang Pilipinas si Romi Garduce, ang kauna-unahang Pilipinong nakaakyat sa bundok ng Cho Oyu sa Himalaya at ang pinakamataas na naabot na tuktok ng isang Pilipino sa kasulukuyan. (inq7.net)
  • Nakakaharap ang Zimbabwe sa isang nagbabadyang banta ng paghihimagsik ng militar, habang dumadami ang mga sundalong hindi nasisiyahan sa pagkabigo ng pamahalaan na taasan ang kanilang suweldo at mapunan ang malalang pagkakulang ng mga pagkain sa kanilang baraks. (allAfrica)

[baguhin] Oktubre 8, 2005 (Sabado)

[baguhin] Oktubre 9, 2005 (Linggo)

  • Itinalaga sa National Women's Hall of Fame ang Senador ng New York na si Hillary Rodham Clinton.
  • Nagkakaisang Kaharian: Sa isang pinagsamang pagpapahayag, sinabi ng mga pinuno ng Anglikano at Katoliko ang kanilang pag-alala sa euthanasia habang hinahanda ng House of Lords ang pagtatalo sa lehislatura. (BBC)(Reuters)

[baguhin] Oktubre 10, 2005 (Lunes)

[baguhin] Oktubre 11, 2005 (Martes)

[baguhin] Oktubre 12, 2005 (Miyerkules)

[baguhin] Oktubre 13, 2005 (Huwebes)

  • Ililikas ng Mga Nagkakaisang Bansa ang ilang mga staff mula sa estado ng Kanlurang Dufur ng Sudan dahil sa nadadagdagang karahasan. Sabi ng mga opisyal ng Mga Nagkakaisang Bansa, naabala ng karahasan ang pagbibigay tulong sa 650,000 refugees sa rehiyon.(Reuters)
  • Nakumpirma ang presensya ng mapanganib na H5N1 avian influenza virus sa mga patay na ibong natagpuan sa Turkey, na naging unang kaso ng sakit sa Europa. (BBC)
  • Sa Stockholm, ipinahayag na ang Briton na manunulat ng dula na si Harold Pinter ang nanalo ng 2005 Nobel Prize for Literature. (Reuters)

[baguhin] Oktubre 14, 2005 (Biyernes)

  • Sa Maynila, Pilipinas, napigil sa pamamagitan ng pagbomba ng tubig ng mga bombero ang isang rally na nagproprotesta laban kay Pangulong Arroyo. Kabilang sa labis na nabasa sa rally ang dating bise presidente Teofisto Guingona, mga opisisyong mambabatas, ilang Katolikong pari at obispo. (inq7.net)
  • Ipinahayag ng mediang pag-aari ng estado sa Zimbabwe na sandaliang kinulong ang Amerikanong embahador ng pamahalaan ng Zimbabwe, noong Lunes, Oktobre 10. Tinuring ng Estados Unidos na sarado na ang kaso pagkatapos ng isang pormal na paumanhin. (Wash. Times)
  • A high ranking undercover Central Intelligence Agency officer, known only as "Jose," will coordinate CIA, FBI, and State Department spying operations as the new director of the National Clandestine Service.

[baguhin] Oktubre 15, 2005 (Sabado)

  • Ihiniling ng pangulo ng World Bank na si Paul Wolfowitz na wakasan na ng mga mauunlad na bansa ang kanilang pagbibigay subsidies sa kanilang mga sariling sektor pang-agrikultura at buksan ito sa malayang kompetisyon mula sa developing countries o mga umuunlad na bansa (Reuters).
  • Magsasampa ng kaso si Senador Jamby Madrigal ng Pilipinas sa UN Commision on Human Rights laban kay Pangulong Arroyo dahil sa pagbuwag ng rally kahapon sa pamamagitan ng pagbomba ng tubig. (inq7.net)
  • Ipinagtanggol ng Malacañang ang pagbobomba ng tubig sa mga raliyista kahapon sa Mendiola, Maynila. Sinabi ng tagapagsalita ni Pangulong Arroyo na si Ignacio Bunyi na hindi sinunod ng mga raliyista ang babala na huwag lumapit sa Malacañang. (inq7.net)

[baguhin] Oktubre 16, 2005 (Linggo)

  • Lumapag nang maayos ang reentry module ng sasakyang pang-kalawakang Shenzhou 6 sa Inner Mongolia, Tsina. (People's Daily).
  • Binisita ng punong ministro ng Hapon na si Junichiro Koizumi ang Yasukuni shrine na pinaparangalan ang mga namatay na mga Hapon sa digmaan kabilang ang 14 na Class A kriminal sa digmaan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ang panlimang pagbista niya simula noong naupo sa puwesto noong 2001. (CNN)

[baguhin] Oktubre 17, 2005 (Lunes)

  • 2 Umrah peregrino ang namatay habang bumangga ang barko nila sa isang barkong pankargamento sa Kanal ng Suez. Walang batayan sa paunang ulat na 20 namatay, ngunit mahigit sa 90 katao ang nasugatan. (BBC)

[baguhin] Oktubre 18, 2005 (Martes)

  • Krisis sa pagkain sa Malawi: Dinagdagan ng United Nations Children's Fund (UNICEF) ang pag-apela nito para sa Malawi hanggang USD 13 milyon, habang lumala ang krisis pantao kasama ang tinatayang 46,000 malalang malnoris na mga bata.

[baguhin] Oktubre 19, 2005 (Miyerkules)

[baguhin] Oktubre 20, 2005 (Huwebes)

[baguhin] Oktubre 21, 2005 (Biyernes)

  • Natapuan patay na may tama ng baril si Saadoun Sughaiyer al-Janabi, ang depensang abogado ni Awad Hamed al-Bandar sa paglilitis ng Al-Dujail, sa isang lugar na malapit sa isang moske sa Baghdad, pagkatapos kidnapin ng mga di-kilalang mga tao noong Huwebes. (AP)
  • Pinaplano ng kompanyang telekomunikasyon na Inmarsat ang paglunsad ng ikalawang serye ng dalawang super-satellite sa geosynchronous orbit. Dinisenyo sila na maging pinakamalakas na komersal na communications satellite sa orbit. Magpapadala ng mga datos broadband at serbisyong boses sa halos lahat ng lokasyon sa planeta. (Wired)

[baguhin] Oktubre 22, 2005 (Sabado)

  • Inaresto ang dating pinuno ng mayorya ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos na si Tom DeLay matapos niyang isuko ang kaniyang sarili sa tanggapan ng sheriff sa Houston, Texas upang harapin ang mga paratang ng pandarambong (money laundering) at conspiracy (Reuters).

[baguhin] Oktubre 23, 2005 (Linggo)

[baguhin] Oktubre 24, 2005 (Lunes)

  • Namatay sa atake sa puso si José Azcona del Hoyo, dating Pangulo ng Honduras, 1986-1990, sa Tegucigalpa sa gulang na 78. (Reuters)
  • Sang-ayon sa Komisyon ng Karapatang Pantao ng Pilipinas na walang legal na batayan ang pagbabawal ng pamahalaang Arroyo sa pag-rally sa Mendiola, Maynila.(inq7.net)

[baguhin] Oktubre 25, 2005 (Martes)

[baguhin] Oktubre 26, 2005 (Miyerkules)

[baguhin] Oktubre 27, 2005 (Huwebes)

  • Nararapat ayon sa pangalawang punong ministrong Israeli na si Shim‘on Peres na patalsikin ang Iran mula sa Mga Nagkakaisang Bansa matapos sabihin ng bago nitong pangulong si Mahmoud Ahmadinejad na dapat "mabura sa mapa" ang Israel. (AP).

[baguhin] Oktubre 28, 2005 (Biyernes)

[baguhin] Oktubre 29, 2005 (Sabado)

  • Isang sunod-sunod ng mga pagbomba ang naganap sa New Delhi, India. 61 katao ang nakilalang namatay at marami ang nasugatan. (NDTV), (BBC)

[baguhin] Oktubre 30, 2005 (Linggo)

[baguhin] Oktubre 31, 2005 (Lunes)

  • Ipinahayag ng Kastilang telco na Telefónica ang isang £18 bilyong kasunduang bilin ang Briton na mobile network operator O2 plc. (Reuters) (Dow Jones/Cellular News)
  • Ipinanganak si Infanta Leonor sa Madrid, Espanya, pangalawa sa linya ng mga magmamana ng trono sa Espanya,second, sa ganap na 01:46 AM, lokal na oras. (BBC)


Our "Network":

Project Gutenberg
https://gutenberg.classicistranieri.com

Encyclopaedia Britannica 1911
https://encyclopaediabritannica.classicistranieri.com

Librivox Audiobooks
https://librivox.classicistranieri.com

Linux Distributions
https://old.classicistranieri.com

Magnatune (MP3 Music)
https://magnatune.classicistranieri.com

Static Wikipedia (June 2008)
https://wikipedia.classicistranieri.com

Static Wikipedia (March 2008)
https://wikipedia2007.classicistranieri.com/mar2008/

Static Wikipedia (2007)
https://wikipedia2007.classicistranieri.com

Static Wikipedia (2006)
https://wikipedia2006.classicistranieri.com

Liber Liber
https://liberliber.classicistranieri.com

ZIM Files for Kiwix
https://zim.classicistranieri.com


Other Websites:

Bach - Goldberg Variations
https://www.goldbergvariations.org

Lazarillo de Tormes
https://www.lazarillodetormes.org

Madame Bovary
https://www.madamebovary.org

Il Fu Mattia Pascal
https://www.mattiapascal.it

The Voice in the Desert
https://www.thevoiceinthedesert.org

Confessione d'un amore fascista
https://www.amorefascista.it

Malinverno
https://www.malinverno.org

Debito formativo
https://www.debitoformativo.it

Adina Spire
https://www.adinaspire.com